Tagalog

ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN:
LAST OFFER VOTES

British Columbia and Ontario
Select your language below

Ano ba ang “Last Offer Vote” at bakit ko ba ito dapat malaman?

  • Sa Ontario/British Columbia, bago magsimula ang isang welga, ang isang employer ay maaaring magrequest sa pamahalaan ng province na bumoto ang mga miyembro ng unyon sa “last offer” ng employer.
  • Ang request ng employer na gamitin ang “Last Offer Vote” ay isang tactic para ma-pressure ang mga empleyado na tumanggap ng isang hindi sapat na kontrata. Layunin nitong magdulot ng panic at ang mga manggagawa ay maaaring ilang taon na maiipit sa isang masamang kontrata.
  • Ang aming trabaho bilang union bargaining committee ay ang makapag-negotiate para sa pinakamainam na offer na maaari para sa mga manggagawa sa kanilang employer.
  • Kapag ginamit ng isang employer ang “last offer vote” tactic, sadya niyang iniiwasan ang iyong committee at sinusubukan niyang magdulot ng takot at gulo sa mga manggagawa.

Ano ang mangyayari kung pinadalhan ng aming employer ang mga manggagawa ng isang “Last Offer Vote?”

  • Ang isang employer ay magpapadala ng abiso sa mga manggagawa at ito’y maglalaman ng impormasyon tungkol sa kanilang iminumungkahing offer. Sasabihin niya na ito’y makatwiran at tamang deal para sa isang bagong kontrata.
  • Padadalhan ng Ministry of Labour ng province ang lahat ng mga manggagawa ng email na magpapahayag na magkakaroon ng online vote at balota kung saan hihilingin silang bumoto sa offer ng employer.
  • Hindi mo kailanman kailangang tanggapin ang final offer ng boss – maaari kang BUMOTO NG HINDI!
  • Kapag ang karamihan ay bumoto nang HINDI, ibig sabihin ay makakapagbargain muli ang iyong union bargaining committee para makapanalo ng mas mabuting kontrata.
  • Pagkatapos, kapag handa na tayo, MAAARI TAYONG MAGWELGA!

ANG ANUMANG LAST OFFER VOTE NA NANGGAGALING SA EMPLOYER AY HINDI SINASANG-AYUNAN NG IYONG BARGAINING COMMITTEE AT UNYON